Ang Ating Araw

1 min read

Deviation Actions

digimurder's avatar
By
Published:
698 Views
Big ups to Manny "The Pacman" Pacquiao, Rey "Boom Boom" Bautista and Brian Viloria for their stunning victories. KEEP KNOCKING YOUR FOES AND FIGHT FOR YOUR COUNTRY! MABUHAY KAYO!


ANG ATING ARAW
Dicta License

Sisikat nang muli ang ating araw
Sa nayong may himig ng hanging hinipan ng Banal
Tulad ng awit na pumipiglas sa kahon ng kundiman

Madalas ay reklamo lang ang bukang bibig
Di Makita ang sakit na yong pasan
Mas matalas ang dila kung mayroong galaw ng bisig.
Paliparin ang malayang-isip.
Dinggin mo ang tawag ng lupang pinagmumulan
Ng kayamanang di mo rin pala natitikman.
Kailan malilinis ang bahid ng dumi?
Hindi malaman. Pero pag-asa ay inaasam.

Isa nanamang awit na tutuhog sa marurupok na pusong lanta
Lanta sa diwa at pag-asa ng umaga
Bukas-loob silipin ang sarili
Balat, mukha, mata dinggin ang huni.
Pagkalipas ng ilang taon
Unti-unting aahon
Ang lipi ng lupa na napako sa kahapon.
Walang pamagat alay kong alamat
Di makakahon damdaming naisulat.
Di mo ba naririnig
Ang tinig ng lahat?
Sabay-sabay lumiliyab
Sisikat ng muli.
© 2005 - 2024 digimurder
Comments1
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In
jesimae's avatar
"Madalas ay reklamo lang ang bukang bibig" I love that line